Thursday, March 30, 2006

Ang NSTP: National Stupid Training Program

ni Joey Ogatis
 
Joey Ogatis teaches at the Department of Arts and Communication. Beginning first semester, AY 2004-05, he, along with a few other faculty members from the DAC, was tasked with coordinating the National Service Training Program or NSTP courses of the BA Organizational Communication and BA Philippine Arts students of the University. This additional assignment was, of course, the result of the central administration's decision to devolve the NSTP to the different departments. On top of his teaching load, therefore, Joey had to "babysit" the DAC majors when they would go to Tondo for their NSTP. The essay that follows is Joey's impassioned critique of the new policy of passing on the responsibility of handling the NSTP to the departments.RLP)
 
Ano ang gagawin mo kung may kasabay kang tao habang naglalakad na biglang kumuha ng bato, pinukpok ang sarili, at biglang sinabihan ka na gamutin siya? Pustahan tayo mabubuwisit ka at baka matukso ka pang kumuha ng mas malaking bato para  ipukpok sa lekat. Iisipin mo na tanga at hindi nag-iisip lang ang gagawa noon, pero sa totoo lang marami tayo ng mga ganoong klaseng tao dito sa UP, ang sinasabing pinakamagaling na eskwela sa balat ng Pilipinas. Sila yung mga taong mahilig gumawa ng problema na ipapaayos sa iba. Sila ang nag-isip na makabubuting i-devolve sa mga departamento ng unibersidad ang pagtuturo ng NSTP, ang National Service Training Program, ang programang ipinanganak dahil sa kabalbalan ng ROTC administrators sa Hepatitis University diyan sa may dagat ng EspaƱa. Dati kasi ay isang opisina lang sa pangunguna ng warmongers at gaddemit officers ang humahawak ng programa. Noong nakaraang taon, inatasan ng mga "superiors" ang mga nanahimik na departamento na gumawa ng sariling mga programa para sa kanilang majors. Napasa tuloy sa balikat ng mga guro ang bagong trabaho.
 
Sa kagustuhan ng Diablo, isa ako sa malas na kailangang magpatupad ng programa (babysitter). Sa Baseco compound sa Tondo kami pinapunta para magbigay serbisyo. Sa simula pa lang ay masama na ang loob ko dahil alam kong hilaw pa at hindi pinag-isipang mabuti ang programa at magiging guinea pigs lang kami pero pinilit ko pa ring tingnan ang bright side: maraming nangangailangan ang matutulungan. Inisip ko rin na baka naman negative thinker lang ako. Wala naman sigurong masama na bigyang pagkakataon ko ang programa. Pero tama talaga ang hinala ko.
 
Isa sa mga hindi ko maintindihan ay ang pagbibigay ng kalayaan sa mga estudyante. Maaari na silang pumili ng programa nila at oras. Wala tuloy isang oras na nakalaan para sa NSTP. Kailangang ayusin ang oras ng guro, estudyante, at ng mga miyembro ng komunidad na pagsisilbihan. Nagkakagulo tuloy. May mga panahon tuloy na dalawa lang na estudyante ang pupunta sa komunidad. Sobrang aksaya sa oras at pagod tuloy.
 
Ang pagpunta sa komunidad ay pahirap din. Dahil nga dalawa lang o tatlo ang estudyante, hindi naman praktikal na magrenta ng sasakyan. Kaya namamasahe tuloy kami. Kung tutuusin ang mga nagastos namin sa pamasahe, lugi talaga. May credit unit man ay hindi pa rin commensurate ang pagod sa bayad. Ang bawat pagpunta pa namin sa Baseco ay laging pakikipagsapalaran. Kalimitan sa mga taxi driver ay takot maghatid sa Baseco dahil nga sa kilala sa kriminalidad ang lugar. Ilan beses kaming tatanggihan ng taxi driver bago may maawa sa amin.
 
Bakit nga ba may NSTP? Para magturo ng good moral values at nationalism sa mga estudyante? Kung pwede lang sana ay huwag na tayong pa-ideyalistiko. Ang sino mang naniniwala na nagtatagumpay ang mga layunin ng NSTP ay malamang naniniwala pa rin na totoo si Santa Claus. Tuwing magpu-push up ang mga kadete sa ROTC o magbibilad sa araw, naiisip ba nila na para sa ikabubuti ng bayan ang ginagawa nila? Dehins mga tol. Iniisip nila kung oras na ba para umuwi. Hindi rin iniisip ng mga estudyante na pagtulong ang ginagawa nila sa komunidad. Pahirap po. Kitang-kita sa mga mata ng estudyante ang kawalang gana at pagbilang sa mga minutong gumagapang. Marami ring pagkakataon na nagmumukha lang tanga ang mga estudyante dahil minsan ang trabaho ay physical labor. Marami sa mga estudyante ay, pa-tweetums, lampahin at kulang sa labor skills. Imbes na makatulong ay nagiging pabigat pa dahil mali at mabagal ang trabaho ng estudyante. Nakakahiya tuloy.
 
Sa puntong ito, kahit na sobrang pangit ang tingin ko sa NSTP, palagay ko'y hindi pa panahon para sentensyahan ang programa. Maganda naman ang layunin. Utak-biya lang ang implementasyon. Mas makabubuti siguro na itigil muna ang NSTP at pag-aralang mabuti ang programa. Mungkahi ko rin na dapat ay may full-time staff at faculty para sa NSTP. Hindi tama na huhugot lamang sa kaguruan kung sino ang available. Dahil nga nagtuturo ng tamang pagpapahalaga ang programa, dapat na ang mga hahawak ay  naniniwala sa programa. Hindi epektibo ang mga napipilitan. Dapat na alisin sa mga departamento ang NSTP. Isang opisina lang dapat ang mamamahala.
 
Kung gusto man nilang ituloy pa rin ang NSTP kahit pumapalpak ang programa, sila na lang. Wala akong panahong sumalo ng katangahan ng iba.
 
This article was originally published in Faura, Number 2.