Thursday, March 30, 2006

Ang NSTP: National Stupid Training Program

ni Joey Ogatis
 
Joey Ogatis teaches at the Department of Arts and Communication. Beginning first semester, AY 2004-05, he, along with a few other faculty members from the DAC, was tasked with coordinating the National Service Training Program or NSTP courses of the BA Organizational Communication and BA Philippine Arts students of the University. This additional assignment was, of course, the result of the central administration's decision to devolve the NSTP to the different departments. On top of his teaching load, therefore, Joey had to "babysit" the DAC majors when they would go to Tondo for their NSTP. The essay that follows is Joey's impassioned critique of the new policy of passing on the responsibility of handling the NSTP to the departments.RLP)
 
Ano ang gagawin mo kung may kasabay kang tao habang naglalakad na biglang kumuha ng bato, pinukpok ang sarili, at biglang sinabihan ka na gamutin siya? Pustahan tayo mabubuwisit ka at baka matukso ka pang kumuha ng mas malaking bato para  ipukpok sa lekat. Iisipin mo na tanga at hindi nag-iisip lang ang gagawa noon, pero sa totoo lang marami tayo ng mga ganoong klaseng tao dito sa UP, ang sinasabing pinakamagaling na eskwela sa balat ng Pilipinas. Sila yung mga taong mahilig gumawa ng problema na ipapaayos sa iba. Sila ang nag-isip na makabubuting i-devolve sa mga departamento ng unibersidad ang pagtuturo ng NSTP, ang National Service Training Program, ang programang ipinanganak dahil sa kabalbalan ng ROTC administrators sa Hepatitis University diyan sa may dagat ng EspaƱa. Dati kasi ay isang opisina lang sa pangunguna ng warmongers at gaddemit officers ang humahawak ng programa. Noong nakaraang taon, inatasan ng mga "superiors" ang mga nanahimik na departamento na gumawa ng sariling mga programa para sa kanilang majors. Napasa tuloy sa balikat ng mga guro ang bagong trabaho.
 
Sa kagustuhan ng Diablo, isa ako sa malas na kailangang magpatupad ng programa (babysitter). Sa Baseco compound sa Tondo kami pinapunta para magbigay serbisyo. Sa simula pa lang ay masama na ang loob ko dahil alam kong hilaw pa at hindi pinag-isipang mabuti ang programa at magiging guinea pigs lang kami pero pinilit ko pa ring tingnan ang bright side: maraming nangangailangan ang matutulungan. Inisip ko rin na baka naman negative thinker lang ako. Wala naman sigurong masama na bigyang pagkakataon ko ang programa. Pero tama talaga ang hinala ko.
 
Isa sa mga hindi ko maintindihan ay ang pagbibigay ng kalayaan sa mga estudyante. Maaari na silang pumili ng programa nila at oras. Wala tuloy isang oras na nakalaan para sa NSTP. Kailangang ayusin ang oras ng guro, estudyante, at ng mga miyembro ng komunidad na pagsisilbihan. Nagkakagulo tuloy. May mga panahon tuloy na dalawa lang na estudyante ang pupunta sa komunidad. Sobrang aksaya sa oras at pagod tuloy.
 
Ang pagpunta sa komunidad ay pahirap din. Dahil nga dalawa lang o tatlo ang estudyante, hindi naman praktikal na magrenta ng sasakyan. Kaya namamasahe tuloy kami. Kung tutuusin ang mga nagastos namin sa pamasahe, lugi talaga. May credit unit man ay hindi pa rin commensurate ang pagod sa bayad. Ang bawat pagpunta pa namin sa Baseco ay laging pakikipagsapalaran. Kalimitan sa mga taxi driver ay takot maghatid sa Baseco dahil nga sa kilala sa kriminalidad ang lugar. Ilan beses kaming tatanggihan ng taxi driver bago may maawa sa amin.
 
Bakit nga ba may NSTP? Para magturo ng good moral values at nationalism sa mga estudyante? Kung pwede lang sana ay huwag na tayong pa-ideyalistiko. Ang sino mang naniniwala na nagtatagumpay ang mga layunin ng NSTP ay malamang naniniwala pa rin na totoo si Santa Claus. Tuwing magpu-push up ang mga kadete sa ROTC o magbibilad sa araw, naiisip ba nila na para sa ikabubuti ng bayan ang ginagawa nila? Dehins mga tol. Iniisip nila kung oras na ba para umuwi. Hindi rin iniisip ng mga estudyante na pagtulong ang ginagawa nila sa komunidad. Pahirap po. Kitang-kita sa mga mata ng estudyante ang kawalang gana at pagbilang sa mga minutong gumagapang. Marami ring pagkakataon na nagmumukha lang tanga ang mga estudyante dahil minsan ang trabaho ay physical labor. Marami sa mga estudyante ay, pa-tweetums, lampahin at kulang sa labor skills. Imbes na makatulong ay nagiging pabigat pa dahil mali at mabagal ang trabaho ng estudyante. Nakakahiya tuloy.
 
Sa puntong ito, kahit na sobrang pangit ang tingin ko sa NSTP, palagay ko'y hindi pa panahon para sentensyahan ang programa. Maganda naman ang layunin. Utak-biya lang ang implementasyon. Mas makabubuti siguro na itigil muna ang NSTP at pag-aralang mabuti ang programa. Mungkahi ko rin na dapat ay may full-time staff at faculty para sa NSTP. Hindi tama na huhugot lamang sa kaguruan kung sino ang available. Dahil nga nagtuturo ng tamang pagpapahalaga ang programa, dapat na ang mga hahawak ay  naniniwala sa programa. Hindi epektibo ang mga napipilitan. Dapat na alisin sa mga departamento ang NSTP. Isang opisina lang dapat ang mamamahala.
 
Kung gusto man nilang ituloy pa rin ang NSTP kahit pumapalpak ang programa, sila na lang. Wala akong panahong sumalo ng katangahan ng iba.
 
This article was originally published in Faura, Number 2.

29 Comments:

Anonymous Anonymous said...

i believe that nstp is a gr8 program..
it teaches us how to be a good filipino citizen. It's a program wherein we could help other people.

7:32 PM  
Anonymous Anonymous said...

National Service Training Program
Is gra8 because this is to train all Pilipino citizens to encourage them to be good and excellent people someday in future...

Sti collage zamboaga city

4:57 PM  
Blogger Unknown said...

meron nga daw kaming nstp sa school namin. geez, magdo-donate ng mga canned goods o grocery items na worth P10.00... to be honest, maganda ang layunin ng nstp. pero hirap akong makapagpalabas ng P10 sa bulsa ko, hindi naman ako kuripot. estudyante lang naman ako. wish ko lang, sana kapag may ojt na lang ako magkaroon ng nstp. para kaya kong gastusan iyan.

12:01 AM  
Anonymous Anonymous said...

weeeeee kesa naman na binibilad k sa araw sa rotc...

2:59 AM  
Anonymous Anonymous said...

walanju...

mayroon ngang magagandang mga bagay na naidulot ang nstp mula nang maipatupad ito kapalit ng rotc. marami ang natuwa sa hakbang na ito ng pamahalaan, sapagkat mas madali ito kumpara sa rotc na mayroon pang "training" na kaakibat. paano makikipagsabayan ang mga estudiyanteng mahina ang pisikal na pangangatawan(ipagpatawad ninyo ang salitang ginamit ko)?
ngunit sa nstp, binawasan ang kalidad sa pagdidisiplina sa mga kabataan. pero gayunpaman,naroroon pa naman ang pagtuturo sa kahalagahan ng nasyonalismo sa mga estudiyanteng.
dito na magtatapos ang aking munting reaksyon ukol sa pahayag ng ating kapatid. hanggang sa muli mga kababayan ko.

-isang makatang pinoy

1:35 AM  
Anonymous Anonymous said...

Hay naku, bad shot talaga hindi dahil mali mismo ang NSTP kunid ginagawa ito ng mga ilang administrador ng eskwelahan na huthutan ng pera. Nagmumukha tuloy na walang silbi ang NSTP na hindi naman dapat... Siguro... may kinalaman din ang mga dating ROTC officers na nawalan nga pagpa-popower tripan?

6:31 AM  
Anonymous Anonymous said...

Tsaka nga pala, di yata alam ni Missing Link ang nilalaman ng RA 9163... Tanungin mo kaya ang administrador ninyo sa school kung bakit walang pundo ang NSTP ninyo...

6:32 AM  
Anonymous Anonymous said...

nice one. galing,, bilib ako sa tapang mo. may ginagawa din akong article na hawig sa ginawa mo, pero medyo takot pa ko.. inspiration ko yung ginawa mo,, salamat!

11:44 PM  
Anonymous Anonymous said...

oo nga po sir... may point po kau dun... dapat nga ay isang departamento ang hahawak ng NSTP. para ang mga magtuturo ay may focus din. dapat nga rin pag-aralan mabuti ang systema. o dapat din na wala nalang nstp lalong lalo na ang ROTC.

10:49 PM  
Blogger kawal said...

magnda rin ang nstp kaya lng unti unti nang nawawla ang pagmamahal ng kabataan sa bayn na makukuha lng ntn sa nstp-rotc component...mgnda rin ang nstp-cwts kya lng hindi lahat ng nagtatapos dito ay nadidisiplina,ska pgktapos nila ng cwts ano na!?sa rotc pg tapos u ng ng basic my serial# kna my rank k n sa reserve force at mas di hamak na malaki ang iyong lamang sa mga non rotc grad ryt?ang bansa ntn ay nangangailangan ng mga pilipinong magma2hal at magta2nggol sa bansa at ito ay makukuha lamng sa mga rotc graduates!!!!d best pa rin NSTP-ROTC

2:17 AM  
Blogger kawal said...

PAGLILINAW LNG ITO HIdi inalis ang ROTC katulad ng sinasabi ng iba...myron pa ring rotc kya lng ito ay optional na dhil sa RA9163 o NSTP Act of 2001...na kung saan ang laht ng mga college students ay pwedeng pumili sa 3 component ng NSTP kung alin ang kukunin nya ROTC,CWTS O LTS...ang ROTC ay hindi inalis at hindi maalis sapagkat ito ay isang sangkap ng national defense at primary source ng reserve force ng bansa na kung saan ito ay nakasaad sa National Defense Act...ang nangyari lamang ay pinag aralan ang ilang probisyon sa National Defense Act at sa RA7077 HBNG ANG Nstp noon ay binubuo pa lamng sa Kongreso ang problema kc dhil ang ibang mga instructors ng nstp sa mga school ndi pnpliwanag ng mabuti sa mga estudyante at sa halip ang dini discuss lng sa 3 NSTP Component ay ang CWTS Lng....sana wag naman maging ganun ang iba sa pagtingin sa rotc sapagkat hihuhubog dito kung paano magmahal sa bansa na isa sa mga hndi na nakikiat sa kabataan ngaun at hindi man hinihiling kung dumating ang panahon na ang segueidad ng Pilipinas ay malagay sa pinaka krikikal na status at ang mga regular force ay mangailangan ng tulong sino p b ang magfreresponde doito kundi ang mga ROTC Graduates,ang ating mga Reservists mga pilipino tau kya dapt ntn ipagtanggol at mahalin ang bansa.

2:30 AM  
Blogger kawal said...

Ang ROTC ngaun ay di na tulad noong mga dekada 60 to 90s...ang NSTP-ROTC ngaun ay 1yr n lng afterr 1yr tapos kna ng basic course nsa sau na un kung magpapatuloy kpa sa pgkuha ng advance rotc..70% of rOTC Training ay academics phase at 30% ay non acad lyk practical exercises,basic drills....

2:34 AM  
Anonymous Anonymous said...

Good day to all...
ROTC at NSTP ay maganda lahat yan sa atin. Yung mga nalalaman nyo at paniniwala ay mali ang mga turo sa nyo ng mga guro nyo. Siguro yung mga facilitator ng ROTC at NSTP nyo di rin alam kung ano ang OBJECTIVES, MISSION & GOAL. Hindi sa nyo naturo yung tama process.

Alam nyo nag ROTC ako, na train ako sa military maganda naman at kahit sa Health ko ok lang yung pagbiladbilad. At sa NSTP, nakatulong ako sa bayan ko kahit sa kaunting share ng pera at natuto akung tumulang sa ibang tao na di ko ginagamit ang aking pera.

Naging resourceful ako kahit walang pera "basta may tsaga may ilalaga".

Use ur inisiative.... thanks to all.....

8:23 PM  
Anonymous Anonymous said...

hindi naman national stupid training program ang nstp. kumuha ako ng literacy training servcie (lts) sa elbi. marami akong natutunan. siguro ang problema lang ay nasa pagtanggap natin mga estudyante sa programa. maganda ang layunin ng LTS. at kung ang isang mag-aaral ay sineryoso ang LTS, sigurado ako kayang-kaya na nyang magturo sa mga komunidad. kulang tayo sa guro at sinisikap itong punan ng LTS. basta ako saludo ako sa mga facilitators ng LTS sa elbi! at oo, nangagarap din akong balang-araw ako'y maging isang guro sa baryo :-)

7:36 PM  
Anonymous Anonymous said...

tama ka, anonymous. maganda ang layunin, pero kulang sa mainam na pagpaplano sa programang NSTP kaya aksaya lang sa oras at pagod ang nangyayari...
well, ginagawa naming lahat ang kaya namin para mas pagandahin pa ang programa ng NSTP.

4:34 AM  
Blogger moi said...

hmmmmm.,,,nstp??
ok lng! kaso na bobored ako eh!
hehe.,.,.sori ha??
pero do ko like ang nstp!!
hehe!

5:16 AM  
Anonymous Anonymous said...

nstp is a gr8 program..
it teaches us how to be a good filipino citizen. It's a program wherein we could help other people.


tama.,.pero ako madaling ma bored

anu ba ang dapat gawin para di ka pa bored??

5:25 AM  
Anonymous Anonymous said...

actually totoo ng sinsabi nya... mejo nkakainis nga yung nstp lalo pag di mganda yung implementation... ako kasi, nung una naexcite tlaga aq mgturo kaso nung nandun na kami sa place, lanja, di na namin alam kung ano ano gagawin namin... ang hirap pati pagsabayin ng dlawang studyante khit dlwa lang sila. pano naman kasi mgkaiba cla ng bilis ng pgintindi s lessons... hndi k p pati guided ng khit anong lesson plan pra at least alam mo kung ano dpat ung naaaccomplsh mo... ayun, yung mga kaklase ko tuloy, lalo pag exam nagdadala n lang ng reviewer dun msmo sa place tpos yung mag-iispelling n lang sila ng estudyante hbang ngbabasa sya ng reviewer... ganun kwalang gana yung implementation... ok sna yung s kschoolmate ko, may lessons tlaga sila. ewan ko pro ibang klaseng lts ata yun... msyadong seryoso... pro mas gusto ko na siguro yun kasi nagkakamalay tlaga s lipunang gnaglawan ko,.. haha! ang vague ng msg ko.. pro mjo natatakot lang akong mhalata kung sang college ako.. bka mbasa post q hndi p q ipasa ng nstp.. joke!.. ayun... sige

10:50 PM  
Anonymous Anonymous said...

oo, nka2tamad ang nstp.. ung titser prang wlang alam sa pnagsa2bi nea.. hnd pa nla nama2ster! meron pa ung isang klase, na pa2sok sa nstp, tas after 30 mins, dismissed na! harhar..

4:25 AM  
Blogger Unknown said...

NSTP is a good program for us dahil narin sa siguro sa pwede nating matutunan at mapulot na aral sa mga programang inilaan ng panuntunan ng paaralan. Wag natin sisihin ang Programa sino ba ang nagi-implementa? Minsan hindi rin nakakatuwa ang pagtulong sa isang komunidad sapagkat naaabuso lamang ang pagmamabuting loob ng mga estudyanteng gustong tumulong sa ibang kapos palad. Kaya naman aking panawagan sa lahat ng mga administrasyon ng mga schools pumili kayo ng makabuluhang aktibidad sa mga estudyante!!Ipaintindi ninyo ang kahalagan ng NATIONAL SERVICE TRAINING PROGRAM!!!

1:58 AM  
Blogger Unknown said...

Kung ang inyong napili ay Civic Welfare Training Service suhistyon ko magtanim nalang kayo!!!kasama naman siya sa component ng NSTP ang Environment!!!May bayad man atleast alam ninyo kung saan napupunta ang inyong pera!!Hindi lahat ng tao gustong umintindi kaya para sa mga naboborin jan eto ang sagot.

2:03 AM  
Blogger Unknown said...

Kung ang inyong napili ay Civic Welfare Training Service suhistyon ko magtanim nalang kayo!!!kasama naman siya sa component ng NSTP ang Environment!!!May bayad man atleast alam ninyo kung saan napupunta ang inyong pera!!Hindi lahat ng tao gustong umintindi kaya para sa mga naboborin jan eto ang sagot.

2:03 AM  
Blogger happy said...

I Like NSTP,Maybe you don't know the real meaning of NSTP

11:09 PM  
Anonymous Anonymous said...

cguro dati ka lng student na tinatamad sa time ng nstp!
ahahackx....

9:24 PM  
Anonymous Anonymous said...

stupid!!!!

9:25 PM  
Anonymous Anonymous said...

Swerte na nga tayo. Sa ibang bansa, required na FULLTIME ang service after highschool either sa Military or sa ibang Social programs for 1-2 years. Kahit papano, matino yung ROTC program ng UP. Hindi puro "Military Training"... may tree-planting, medical and relief missions, etc. Ang diperensya, andyan yung disiplinang military. Kayat mas effective. Problema kasi sa atin, gusto puro madali. Ang tatamad at lampa. Mas madali na nga ang bagong mga programa ng NSTP, nag-rereklamo pa rin. Wala pa ring gana. Kung masusunod lahat ng gusto...tatanggalin NSTP at ROTC dahil wala namang gustong magsilbi sa bansa. Eh kung ganun din, dun ka na sa programang mas maraming benefits kahit sapilitan. ROTC yun...may benefits sa Physical (check out UP ROTC, tumatakbo tuwing sabado), may disiplina at may reserve force pa ang Pinas. Kung pagsisilbi lang din ang pag-uusapan, eh may mga relief missions at tree-planting din namang ginagawa. Madali na lang dagdagan ng anumang ibang programa pa na non-military. Hindi mo mahuhubog ang isang bagay kapag wala kang paghuhubugan. Disiplina ang humuhubog sa tao.

10:17 PM  
Anonymous bdsm cock slut stories said...

He told me to lay still and he was now going to have me fuck him. Why.
wife forced lesbian stories
first time animal sex stories
femdom humiliation stories
free adult baby stories
adult theater gang bang stories
He told me to lay still and he was now going to have me fuck him. Why.

2:34 AM  
Anonymous olderyounger women lesbian sex stories said...

Lee had hesitantly started playing in her somewhat bushy hair,wondering distantly how in the Hell they managed that amount under a battlehelmet, when she reached up and redirected his hand to some seriouslywonderful breast flesh. Location of the hostage.
xnxx stories big cocks
nipple masturbation stories erotica
posted true sex stories
free lesbian stories
free preteen sex stories
Lee had hesitantly started playing in her somewhat bushy hair,wondering distantly how in the Hell they managed that amount under a battlehelmet, when she reached up and redirected his hand to some seriouslywonderful breast flesh. Location of the hostage.

7:40 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ang hirap sa atin mga taga_UP Unibersidad ng Pilipinas. Pinag-aral ng buwis ng bayan. Pag kailangan na ng bayan hindi marunong tumugon! NAKAKAHIYA! UMALIS KA NA LANG SA BANSANG ITO! Ikaw ang stupid! Kung isa kang matalinong taga-UP hindi ka magrereklamo bagkus umisip ka ng pamamaraan upang mapaayos ang implementation ng program! PRAXIS!

12:22 PM  

Post a Comment

<< Home